PAALALA TUNGKOL SA PAGLAGANAP NG MGA INSIDENTE NG PANDURUKOT

PAALALA TUNGKOL SA PAGLAGANAP NG MGA INSIDENTE NG PANDURUKOT

Dahil sa pagdami ng mga kababayan nating turista na nagiging biktima ng pandurukot at pagnanakaw sa mga nakalipas na buwan, pinapaalala po ng Embahada ang lahat na ingatan ang kanilang mga gamit habang umiikot sa Norway at mga karatig-bansa. Maging listo sa mga nangdi-distract, nanglilito, o iba pang mga modus ng mga mandurukot, lalo na habang nasa estasyon ng bus o tren, hotel, o iba pang matataong lugar.

Kung may kakilala po kayong turistang Pilipino na nawalan ng pasaporte habang nasa Norway, Denmark, Finland, Iceland, o Sweden, maari lang po silang abisuhan na kontakin agad ang Embahada. Bibigyan po sila ng travel document para makabalik ng Pilipinas at para dun na sila mag-a-apply ng bagong pasaporte.

Maraming salamat po.